Thursday, November 03, 2005

FACTORY SCENE

Everything rests as night approaches cold.
Meanwhile, this beast of nuts and bolts of steel
Stays burning.
And so we stay burning against midnight.
It is this movement that makes up winds in the ocean.
It is this roar that makes up the storm.

UGAT

Mula sa iyong sinapupunang
Pinagkapitan ng bulok na lipunan
Ako’y iyong hinugot
Upang agawin sa kuko ng sigalot

Namamaos kong pagtangis
Inihele sa palahaw na hinagpis
Ng mga magsasakang nawalan ng lupa’t buhay
Ng mga manggagawang karapata’y inagawan

Sa hiyaw ng kagutuman
Binusog mo ng alternatibong pag-aaral
Pinalamnan ng dinustang kasaysayan
At minulat sa ugat at solusyon ng kahirapan

Ikaw na winalanghiya’t ninakawan
Naggayak sa akin ng sandata sa digmaan
Pinagkatiwala ang matatag at malapad na kalasag
Upang buhay ko’y maging rebolusyonaryong ambag

Dating bisig na kanlungan
Ngayo’y gabay sa pagsusuri at tunggalian
Ako’y pinabayaan, sa masa ay inalay
Upang makisalamuha at manilbihan

Hinayaan ako sa paghakbang
Natutong tiisin tinik sa daan
At alpasan ang kagubatan
Ng kontradiksyon at pamamanglaw

.Sa bawat pagdating ng karimlan
Lakas at tatag patuloy mong pinahiram
Iginumon sa simpleng pamumuhay
At pakikibakang puspusan

Tanglaw mo ngayo’y patuloy kong gabay
Upang maipanalo demokratikong rebolusyon ng bayan
Patuloy na tatahak, paninindigan
Paghuhubog sa akin ng MAPAGPASYANG SAMBAYANAN!

December, 2000

Wednesday, July 06, 2005

In my years
I have been witness to great wonders:
The breaking of the dark horizon with dawn,
And magnificience:
Wind upon wind toppling giant trees,
And man-made tlowers and beauties
Like the tender blooming of flowers in May.

In my years
I have seen the greatest wonder and beauty:
Workers and peasants linking arms
To finally speak upAnd build their destiny

MAGKATUNGGALI

Ako taga-silbi
Ikaw taga-hintay
Ako taga bigay
Ikaw taga-agaw

Alay ko lakas at talino
Alay mo patay na kapital
Sa kamay ko produkto naluwal
Sa kamay mo tubo ang binibilang

Akin ang hirap
Sayo ang sarap
Akin ang mababang sweldo
Sayo ang limpak na tubo

Ako’y takot na matanggal
Ika’y sabik sa bagong kontraktwal
Ako’y humihingi ng konting karapatan
Ika’y kung manamantala ay garapal

Isinusulong ko ang tunay na unyonismo
Peaceful Industrial Relations naman ang iyo
Samantalang matiwasay ang isip mo
Hirap, hikahos ang buhay ko

Sigaw ko ay welga
Sigaw mo isara ang pabrika
Sa Piketlayn ang tatag ko
Ikaw naman sa goons na binayaran mo

Kakampi ko ang karamihan
Kakampi mo ang reaksyunaryong pamahalaan
Sandata namin ang pagkakaisa
Sa gayon, wala kayong nagagawa

Isinusulong ko ang rebolusyon
Ikaw naman ay panata sa Globalisasyon
Sa bawat bigwas namin kayo’y nanghihina
Ibabagsak kayong tuluyan, sa araw ng paglaya.

April 10, 2002

PAGLISAN

Ang paglisan ko, inay
Ay hindi upang kayo’y iwan
Ngunit upang tahakin
Isang magandang kinabukasan

Ang pag-alis ko, inay
Ay hindi dapat panghinayangan
Ito’y nararapat lamang
At sa malaon inyong mauunawaan

Maraming nang ninanais lumisan, inay
Ang manggagawa’t magsasakang
Umaaklas sa bulok na lipunan
Upang marating ang kalayaang inaasam

Sila’y umaalis sa gapos ng kaapihan, inay
Ang kanilang mapagpasyang puwersang
Naglalayong lagutin ng tuluyan
Ang tanikala ng kahirapan

Sa piling nila lagi kong nararamdaman,
at tinatamasa ang inyong pagmamahal
Ang inyong sakripisyo, nasasaksihan
Sa kanila, sa inyo, marami akong natututunan

Kayo’y kapiling sa diwa, ako man ay lumisan
Kayo’y naririto, sa bawat laban
At sa lakbay ng sambayanan
Tungo sa bukas na may kalayaan.

November 21, 2001 para kay Ma

Himutok ng kapitalista

Isyu #1: Sahod

Pano krisis tayo
Hindi puwedeng dagdagan ang sweldo
Wala rin muna’ng bene-benepisyo
Magtiis na lang kayo

Isyu #2: Trabaho

Pano nalulugi
Di pwedeng magpanatili
Tao bawasan ng kalahati
Contractual na lang mula sa agency

Isyu #3: Karapatan

Pano di naman kayo negosyante
Wala kayong alam sa pagdiskarte
Kayo nama’y sanay na maging pobre
Hamo’t darating din ang swerte

Hinggil sa aklasan

Hwag naman ganyan
Madadaan pa naman natin sa usapan
O eto gusto nyo ba ng pang good time
Sapat na ba ang P10,000?

November, 2001